Mahigit 21 milyong toneladang kargamento, pumasok-lumabas sa Khorgos, Xinjiang

2024-07-25 16:35:35  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika ng Aduwana ng Khorgos, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa hanggahan ng Tsina, umabot sa 21.347 milyong tonelada ang kargamentong pumasok at lumabas sa Port of Khorgos, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon – tumaas ng 9.8% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

 

Sa mga inangkat na kalakal, ang halaga ng mga produktong agrikultural at pagkain ay nagpakita ng malaking pagtaas.

 

Sa mga iniluluwas na kalakal, naging bagong tampok ang mga bagong enerhiyang sasakyan.