Sinabi Hulyo 29, 2024 (lokal na oras), ng United Nations Resident and Humanitarian Coordinator sa Sudan na nahaharap ang Sudan sa pinakamatinding krisis sa pagkain sa kasaysayan ng bansang ito.
Aniya, ang maalwang pagpasok ng makataong tulong, pagtaas ng makataong pondo, at pagpapanumbalik ng kasiglahang ekonomiko ay kritikal para maibsan ang napipintong krisis sa pagkain ng Sudan.
Nanawagan din siya sa iba’t-ibang nagsasagupaang panig ng Sudan na agarang itigil ang putukan at protektahan ang kaligtasan ng mga sibilyan.