Sa ilalim ng temang “promoting the spirit of the times and jointly advancing civility in cyberspace,” idaraos, Agosto 28 at 29, 2024, sa lunsod Chengdu, lalawigang Sichuan, timog-kanlurang ng Tsina, ang 2024 China Internet Civilization Conference.
Bilang panig na tagapag-organisa ng kumperensyang ito, sinabi sa preskon Hulyo 29, 2024, ni Yang Jianwen, Pangalawang Puno ng Office of the Central Cyberspace Affairs Commission at Cyberspace Administration of China, na bukod sa seremonya ng pagbubukas at pangunahing porum, itatampok din sa kumperensya ang mga sub-porum sa mga paksang tulad ng pagsusulong ng kabutihang-asal sa cyberspace, pagpapalakas ng matibay na komunidad para sa nasyong Tsino, pangangalaga sa mga menor-de-edad sa onlayn na kapaligiran, at pagsusulong ng sining sa Internet at lakas ng kultura.