Ika-7 sariling-gawang pampasaherong eroplano ng Tsina, tinanggap ng China Eastern Airlines

2024-07-31 16:25:22  CMG
Share with:

Tinanggap ng China Eastern Airlines (CEA), Hulyo 29, 2024 sa lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina ang isa pang C919, sariling-gawang pampasaherong eroplano ng Tsina. Ito ang ika-7 C919 ng naturang airline company.

 


Naganap ang paghahatid sa pamamagitan ng maikling lipad mula Shanghai Pudong International Airport patungo sa Shanghai Hongqiao International Airport.

 

Ang eroplanong may kodigong B-919H, ay ang ika-3 C919 na tinanggap ng CEA ngayong taon.

 

Sakay ang halos 405,000 na pasahero, 3,031 komersyal na lipad ang naisagawa ng C919, hanggang Hulyo 28, 2024.

 

Unang naisagawa ang komersyal na lipad ng naturang eroplano noong Mayo 28, 2023.