Idinaos, Hulyo 29, 2024, sa New York, Amerika, ang isang networking forum na magkakasamang itinaguyod ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT), Konsulada ng Tsina sa lunsod, at iba pang organisasyong pangkalakalan.
Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Ren Hongbin, Tagapangulo ng CCPIT, na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay masusing aspekto ng relasyong Sino-Amerikano, at patuloy itong lumalalim nitong nakaraang 45 taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Declan Daly, Chief Operating Officer ng United States Council for International Business (USCIB), na ang pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano ay nagdudulot ng benepisyo sa mga kompanya ng dalawang bansa.
Nakahanda aniya ang USCIB na palalimin ang kooperasyon sa CCPIT at mga sangay nito para itatag ang mas bukas at inklusibong merkado.
Lumahok sa porum ang mahigit 300 kinatawan ng mga kompayang Tsino at Amerikano, at asosyasyon ng mga negosyo.
Ito ay bahagi ng pagsisikap ng Konsuladang Tsino sa New York para isulong ang kalakalan at mas malakas na ekonomikong pag-u-ugnay sa pagitan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio