Maraming taga-Bangkok, Thailand ang nagka-interes sa lupa mula sa Buwan na dala sa Mundo ng Chang'e-5 ng Tsina.
Nakalagay sa umiikot na bolang kristal, inimbitahan ng 75-miligramong sampol na pinangalanang "The Moon Shines Bright On Me" ang mga tao sa isang mikroskopikong biyahe sa Buwan.
Marami ang humanga sa ekstraterestiyal na materyal, nang malapitan nila itong masilayan.
Sa kanyang unang pagkakataong makakita ng ganitong klaseng materyal, punung-puno ng pananabik ang 7 taong-gulang na si Tannya Neesanant.
Aniya, “napaka-interesante ng may-kakaibang kulay na sampol mula sa Buwan, dahil para itong buhangin sa halip na lupa."
Sa pagtutulungan ng National Astronomical Research Institute of Thailand (NARIT) at China National Space Administration (CNSA), ang nasabing sampol ay isa sa mga tampok ng Sci Power for Future Thailand Fair na nagtapos noong Hulyo 28.
Ayon kay Saran Poshyachinda, pinuno ng NARIT, ipinakita rin ng eksibisyon ang mga modernong teknolohiya ng Thailand hinggil sa pananaliksik pangkalawakan, tulad ng instrumentong idinisenyo sa pag-obserba ng radyasyon at panahon sa kalawakan, mula sa lunar na perspektibo.
Ito aniya ay nakatakdang dalhin ng misyon ng Chang'e-7 sa Buwan.
"Ang pakikipagtulungan sa Tsina ay napakahalaga para sa pagdebelop ng aming sariling kakayahan at nakakatulong upang makasabay kami sa mga nangunguna sa mundo," dagdag niya.