Kung ilalagay ng Amerika ang long-range missile sa Europa, katugong hakbang, gagawin ng Rusya – Putin

2024-08-01 17:04:12  CMG
Share with:

Sinabi, Hulyo 28, 2024 (lokal na oras) ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na aabot sa mahahalagang pasilidad ng kanyang bansa ang mga misayl na planong ilagay ng Estados Unidos sa Alemanya sa 2026.


Kung itutuloy ng Amerika ang paglalagay ng ganitong mga misayl sa Europa at mga kaalyadong bansa nito, isasagawa rin ng Rusya ang katugong hakbang, aniya.

Dagdag ni Putin, kung maglalagay ng misayl ang Amerika sa Alemanya, ititigil din ng Rusya ang suspensyon sa deployment ng intermediate-range missiles.