EU, inilunsad ang excessive deficit procedure laban sa pitong miyembro

2024-08-01 16:59:26  CMG
Share with:

Kinumpirma kamakailan ng European Union (EU) Council na ang mga kakulangan sa pananalapi ng pitong miyembrong estado na kinabibilangan ng Pransya, Italya, Hungary, Belgium, Malta, Poland, at Slovakia ay masyadong mataas. Alinsunod sa mga naiuugnay na regulasyon, inilunsad ng EU ang excessive deficit procedure laban sa mga nabanggit na bansa.

 

Sa susunod, tatanggapin ng EU Council ang rekomendasyon ng EU Commission na bago magtapos ang kasalukuyang taon, hihilingin sa mga miyembrong estado na magsagawa ng mga hakbangin sa loob ng nakatakdang panahon upang mabawasan ang deficit level.