Kakayahan ng modelong kompanyang-militar, dapat itaas – Xi Jinping

2024-08-01 16:52:06  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot na liham bago ang Army Day, Agosto 1, 2024, sa mga opisyal at sundalo ng isang modelong kompanyang-militar ng People’s Liberation Army (PLA), hinikayat sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na palakasin ang pagsasanay sa totoong labanan; pataasin ang kakayahan at katapangan sa labanan, at patatagin ang determinasyon para makamit ang tagumpay.

 

Natutuwa aniya siya sa mabuting pagpapatupad ng kompanya ng kanilang tungkulin.

 

Maraming bagong bunga ang natamo, sapul nang huling mag-inspeksyon si Xi noong 2014.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio