Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), ginanap kamakailan ang diyalogong may temang “Global Opportunities in Deepening China’s Reform in the New Era,” sa Hapon, Timog Korea, India, Malaysia, Pilipinas, Myanmar, Turkey, Afghanistan, Mongolia at iba pang mga bansang Asyano.
Lumahok sa diyalogong ito ang mga opisyal, dalubhasa ng think tank, lider ng negosyo, tauhan ng media, kinatawan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa ng Asya para talakayin ang mga nakatakdang polisya sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapabuti ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at inspirasyon at pagkakataong dulot ng de-kalidad na pag-unlad ng Tsina para sa mga bansang Asyano.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil