Idinaos Agosto 2, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang news briefing tungkol sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad.
Ipinahayag ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOFCOM) na sa pag-asa ng free trade pilot zone, malalim na pag-aaralan ng kanyang ministri ang ibayo pang pagbubukas sa labas ng merkado ng paninda, serbisyo, at kapital.
Bukod pa riyan, kakatigan ng Ministri ng Komersyo ang bawat free trade pilot zone sa ibayo pang pagpapalalim ng differentiated exploration upang mapasulong ang makabagong pag-unlad ng buong kadena ng industriya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil