Ipinalabas Agosto 5, 2024, sa Phonm Penh, kabisera ng Kambodya, ang isang dokumentaryong pinamagatang “Hello Cambodia.”
Magkasamang pinorodyus ng Guangxi Radio and Television Station ng Tsina at National Television of Cambodia (TVK) ang dokumentaryong ito mula noong Hulyo 8 hanggang Hulyo 13, at ito ay isasahimpapawid sa Guangxi Radio and Television Station channel at TVK channel, gayundin sa mga social media platform.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Neth Pheaktra, Ministro ng Impormasyon ng Kambodya na ang dokumentaryong ito ay bahagi ng mga magkasamang aktibidad ng Cambodia-China people-to-people exchange year 2024.
Aniya, ang kooperasyong Kambodyano-Sino ay nagkamit ng mabungang resulta sa nakalipas na taon, na nagdulot ng maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at naging isang modelo ng magkasamang konstruksyon ng de-kalidad na Belt and Road.
Umaasa naman ang opisyal ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na ang dokumentaryong ito ay magbibigay ng bagong sigla para sa pagtatatag ng de-kalidad, mataas na lebel at mataas na pamantayang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil