Diplomatikong relasyon ng Mali sa Ukraine, winakasan

2024-08-07 16:09:52  CMG
Share with:

Pagkaraang aminin ng pamahalaan ng Ukraine na tinulungan nito ang rebeldeng grupong sumalakay sa sandatahang lakas ng Mali noong huling dako ng nagdaang buwan, inanunsyo, Agosto 4, 2024, ng transisyonal na pamahalaan ng Mali ang agarang pagputol sa diplomatikong relasyon sa Ukraine.

 

Ayon sa Mali, ang aksyon ng Ukraine ay "paglapastangan sa soberanya ng bansa, lampas-na-hakbang sa depinisyon ng ‘panghihimasok ng dayuhang puwersa,’ at walang dudang pananalakay sa Mali."

 

Ito ang dahilan sa pagputol ng Mali sa diplomatikong relasyon sa Ukraine.