Kalihim ng estado ng Amerika at PM ng Iraq, nag-usap sa telepono: situwasyon sa Gitnang-silangan, tinalakay

2024-08-07 16:14:25  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono, Agosto 4, 2024 nina Punong Ministro Mohammed Shia' Al Sudani ng Iraq at Kalihim ng Estado Anthony Blinken ng Amerika, sinabi ng panig Iraqi, na ang pagpigil sa eskalasyon ng tensyon sa rehiyon ay nakasalalay sa mga aksyong pananalakay sa Gaza Strip at sa pag-iwas sa pagkalat ng sagupaan sa iba't-ibang lugar tulad ng Lebanon.

 

Sinabi naman ni Blinken, na umaasa ang Amerika, na susuportahan ng Iraq ang pagpapanatili ng katatagan at seguridad sa rehiyon.

 

Nais din aniya ng Amerika, na gumanap ng importanteng paepl ang Iraq sa pagkontrol ng maigting na situwasyon, at pagpigil sa pagtaas ng tensyon sa rehiyon.