CHINADA: hiniling ang indipendiyenteng imbestigasyon sa pagtatakip ng Amerika sa mga paglabag sa doping

2024-08-09 17:08:21  CMG
Share with:

Inilabas Agosto 8, 2024, ng China Anti-Doping Agency (CHINADA) ang isang pahayag na pinamagatang “Hinihiling namin ang indipendiyenteng imbestigasyon sa pagtatakip ng United States Anti-Doping Agency (USADA) sa mga paglabag sa doping.”


Kaugnay nito, mahigpit na nanawagan ang CHINADA sa Kongreso ng Amerika at Board of Directors ng USADA na harapin ang seryosong problema ng doping sa Amerika, palakasin ang intensidad ng paglaban dito, at agarang itigil ang “long-arm jurisdiction” at panghihimasok sa mga gawain ng paglaban sa doping ng ibang bansa.

 

Nanawagan din ang CHINADA para sa indipendiyenteng imbestigasyon tungkol sa pagtatakip ng USADA sa mga seryosong paglabag sa World Anti-Doping Code.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil