Idineklara ni Gavin Newsom, Gobernador ng California, Amerika, ang Agosto 8 bilang Panda Day para ipagdiwang ang pinakaaabangang pampublikong pasinaya ng dalawang higanteng panda na sina Yun Chuan at Xin Bao sa araw na ito sa San Diego Zoo ng estadong ito.
Dumating ang dalawang iconic na itim at puting oso sa California mula sa Tsina noong Hunyo 27 para sa isang 10-taong internasyonal na kooperasyon sa proteksyon ng higanteng panda kasama ang San Diego Zoo, na minamarkahan ang isang bagong yugto ng naturang pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa isang pahayag na inilabas Agosto 7, tinawag ni Newsom ang bagong dating na pares ng panda bilang "mga sugo ng pagkakaibigan," na umaasang ang mga minamahal na oso ay magdudulot ng higit pang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng California at Tsina.
Editor: Shi Weiyang (Interna)
Pulido: Ramil Santos