Sa umano’y paglabag sa mga regulasyon ng pangingisda, magkasunod na pinigilan kamakailan ng opisyal na barko ng Hapon ang barkong pangingisda na “Fu Yang 266” at “Fu Shen” ng Taiwan. Matapos magbayad ng mga multa, pinalaya ang nasabing dalawang barko. Naniniwala ang awtoridad ng Taiwan na nilabag ng kaukulang barko ang regulasyon ng pangingisda ng Hapon.
Kaugay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang lehitimong kapakanan ng mga mangingisdang Tsino na kinabibilangan ng mga mangingisda mula sa rehiyong Taiwan.
Sinabi niya na ayon sa China-Japan Fisheries Agreement, walang karapatan ang panig Hapones na ipatupad ang batas sa mga barkong pangingisda ng panig Tsino sa kaukulang katubigan.
Iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Hapones, at hiniling na agarang iwasto ang maling kilos nito at isagawa ang mabisang hakbangin upang mapigilan ang muling pagkaganap ng naturang insidente, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil