Ayon sa ulat ng State Post Bureau ng Tsina, sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, umabot na sa 100 bilyong piraso ang bilang ng mga naipadalang parsela, mahigit 13 bilyong piraso ang naipapadala tuwing buwan, at ang kita mula sa mga ito ay pumalo ng mahigit 100 bilyong yuan Renminbi, na siyang pinakamataas sa kasaysayan.