Unang lipad ng malaking pantransportasyong drone ng Tsina, matagumpay

2024-08-14 16:42:31  CMG
Share with:

Matagumpay na naisagawa, Agosto 11, 2024, ang unang subok-lipad ng malaki’t dalawang-makinang awtonomong pantransportasyong sasakyang panghimpapawid ng Tsina mula sa Pangkalahatang Paliparan ng Zigong Fengming, lalawigan ng Sichuan, gawing timog-kanluran ng bansa.


Ayon sa Sichuan Tengden Sci-tech Innovation Co., Ltd. (STSICL), normal na umandar ang lahat ng sistema ng nasabing sasakyan, sa higit-kumulang 20 minutong subok-lipad.


Ito ay may mataas na antas ng intelihensya, at inaasahan itong magbibigay-suporta sa pagpapalawak ng transportasyon ng kargamento sa himpapawid at paglikha ng bagong uri ng intelihenteng lohistika sa ekonomiya ng mababang altityud na paglipad, anang STSICL.