Sa seremonya ng pagsasara ng Ika-142 Sesyon ng International Olympic Committee (IOC), Agosto 10, 2024, lokal na oras sa Paris, Pransya, sinabi ni Pangulong Thomas Bach ng organisasyon, na gaganapin ang halalang pampanguluhan ng IOC sa Marso 2025 sa sinaunang Olympia ng Gresya.
Hindi na aniya siya muling tatakbo para sa posisyon ng pangulo.
Ang tungkulin ng bagong pangulo aniya ay magsisimula sa Hunyo 24, 2025.
Nahalal Setyembre 10, 2013, si Bach na ika-9 na pangulo ng IOC.
Muli siyang nahalal sa puwesto noong Marso 10, 2021, at magtatapos ang kanyang termino sa 2025.