Sa pag-uusap sa telepono, Agosto 11, 2024, nina Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel, inihayag ng panig Aleman ang pag-aalala sa lumalalang kaguluhan sa Gaza Strip at nanawagan ito para sa agarang pagkakroon ng kasunduan sa pagpapalitan ng mga bihag at tigil-putukan sa Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas).
Ani Scholz, ang pagtatapos ng kaguluhan sa Gaza Strip ay mahalagang hakbang tungo sa pagpapakalma ng alitan sa rehiyon.