Pangkalahatang kalihim ng UN, nanawagan na ihinto ang labanan at isulong ang pangmatagalang tigil-putukan

2024-08-14 17:06:27  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 11, 2024 ni António Guterres, Pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN) ang kanyang malalim na pagkabahala hinggil sa paglala ng sitwasyon sa Al-Fashir, kabisera ng Hilagang Darfur ng Sudan.

 


Sinabi niya na ang armadong labanan sa Sudan ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa mga sbiliyan sa lokalidad at lalo pang pinalala ang makataong sakuna sa Al-Fashir at sa mga karatig na lugar.

 

Nanawagan si Guterres sa lahat ng nagsasagupaang panig na ihinto ang labanan at isulong ang pangmatagalang tigil-putukan, ipagpatuloy ang pulitikal na diyalogo, at ang negosasayon ay siyang tanging paraan para malutas ang problema. 

 

Nananawagan din siya na sundin ang internasyonal na makataong batas, protektahan ang mga sibilyan, at gawing mas madali ang makataong pag-akses.