Pagbalangkas at pagpapatupad ng plano ng tigil-Putukan sa Gaza, ipinanawagan ng Hamas

2024-08-14 17:07:27  CMG
Share with:

Nanawagan Agosto 11, 2024, ang Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) sa mga tagapamagitan sa negosasyong tigil-putukan sa Gaza Strip na balangkasin ang isang plano batay sa mga resulta ng mga nakaraang negosasyon at pilitin ang Israel sa pagpapatupad nito, sa halip na maghanap ng mas maraming negosasyon o mga bagong panukala.