Pagsasabalikat ng mga bansang kanluranin ng historikal na responsibilad, ipinanawagan ng kinatawang Tsino

2024-08-14 16:58:56  CMG
Share with:

Sa isang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) Agosto 12, 2024, ipinahayag ni Fu Cong, Permanenteng kinatawan ng Tsina sa UN na para maituwid ang mga kawalang-katarungan sa kasaysayan na naranasan ng Aprika, kailangang munang tutulan ang mga natitirang epekto ng kolonyalismo at iba't ibang anyo ng hegemonya.

 

Dapat aniya na isabalikat ng mga bansang kanluranin ang kanilang responsibilidad sa kasaysayan, itigil ang panlabas na panghihimasok, pangigipit at mga parusa, at ibalik ang kinabukasan ng Aprika sa mga mamamayang Aprikano.

 

Sinabi ni Fu na nakahandang makipagtulungan ang Tsina sa mga internasyonal na kasosyo upang suportahan ang Aprika sa pagwawasto ng mga kawalang-katarungan sa kasaysayan nito at isulong ang konstruksyon ng isang mas makatarungan at makatwirang makabagong pandaigdigang kaayusang pampulitika at pangkabuhayan.