Konstruksyon ng pinakamalaking offshore na plataporma ng pagkuha ng langis at gas sa daigdig na gawa ng Tsina, natapos

2024-08-14 16:47:07  CMG
Share with:

May timbang na 17,000 tonelada, at makaraan ang 34 na buwan ng konstruksyon sa Tsina, inilipat sa pinal na gagamit, Agosto 12, 2024, ang pinakamalaking offshore na plataporma ng pagkuha ng langis at gas sa daigdig.

 


Ipinakikita nito ang teknolohikal na tagumpay ng bansa sa pagtatayo ng malalaking kagamitan para sa langis at gas sa dagat.

 

Sa pamamagitan ng malaking bapor pangkargamento, ihahatid ang plataporma sa karagatan ng Saudi Arabia, mula Qingdao, lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina para ikabit sa Marjan oilfield.

 

Ang pang-ilalim na palapag nito ay katumbas ng 15 palaruan ng basketbol, at ito ay mas mataas kaysa 24 na palapag na gusaling panirahan.

 

Maaari nitong kolektahin at ihatid ang 24 na milyong tonelada ng langis at 7.4 bilyong metro kubikong gas bawat taon, na makakatulong sa pagdaragdag ng produksyon ng Marjan oilfield.