Inihayag, Agosto 10, 2024 (lokal na oras) ng grupong panaklolo ng Brasil, na natagpuan na nila ang mga labi ng lahat ng 62 biktima sa bumagsak na eroplano sa lunsod ng Vinhedo, Estado ng São Paulo ng bansang ito noong Agosto 9, at kasalukuyang kinikilala ang mga ito.
Anang grupo, ipinadala na rin ang "black box" ng bumagsak na eroplano sa may kinalamang ahensya para sa pagsusuri.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente, anito pa.
Ayon naman sa ulat ng Reuters, kabilang sa mga biktima ay 34 na lalaki at 28 na babae.