Premyer Tsino, bibisita sa Rusya at Belarus

2024-08-19 17:29:00  CMG
Share with:

Inanunsyo Agosto 19, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa paanyaya nina Punong Ministrong Mikhail Mishustin ng Rusya at Punong Ministrong Roman Golovchenko ng Belarus, bibisita, mula Agosto 20 hanggang 23, si Premyer Li Qiang ng Tsina sa Rusya para panguluhan ang ika-29 regular na pulong sa pagitan ng mga pinuno ng pamahalaan ng Tsina at Rusya, at bibisitahin niya ang Rusya at Belarus.

 

Sinabi ni Mao Ning, Tagapagsalita ng MOFA na malalimang magpapalitan sina Li at Mishustin ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon, paratikal na kooperasyon at mga isyung may komong interes.

 

Ayon sa press service ng pamahalaan ng Rusya, makikipagtagpo din si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa bumibisitang Premiyer ng Tsina.

 

Sa panahon ng pagbisita ni Li sa Belarus, makikipag-usap siya sa kanyang counterpart hinggil sa relasyong Sino-Belarusian at kooperasyon sa iba’t ibang larangan, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil