Bilang ng mga pasaherong pumasok at lumabas sa Jimunai Port ng Xinjiang, umabot sa mahigit 70,000

2024-08-20 16:24:48  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Jimunai Entry-Exit Border Inspection Station, mula Enero 1 hanggang Agosto 16 ng taong ito, ang bilang ng mga pumasok at lumabas sa Jimunai Port, Jimunai County ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, Tsina, ay umabot sa mahigit 70,000 katao na gumawa ng bagong rekord sa kasaysayan.

 

Matatagpuan ang Jimunai Port sa hanggahan ng Tsina at Kazakhstan. Malapit din ito sa Rusya at Mongolia.