Pagtamo ng dakilang karangalan ng mga Olympians para sa bansa, pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina

2024-08-20 21:22:13  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Agosto 20, 2024 sa delegasyong Olimpik ng Tsina sa Paris 2024, lubos na pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga Olympians ng bansa sa kanilang pagpapamalas ng galing at husay sa larangan ng pampalakasan sa Paris Olympics.


Ani Xi, natamo ng mga Chinese Olympians ang dakilang karangalan para sa bansa at mga mamamayan.


Hinikayat din ng pangulong Tsino ang mga Olympians na pag-ibayuhin pa ang kanilang pagsisikap upang maitayo ang Tsina bilang isang malakas na bansa pagdating sa pampalakasan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil