Inanunsyo Agosto 18, 2024, ng pamahalaang Espesyal na Rehiyon ng Hong Kong (HKSAR) na bibisista sa HK, mula Agosto 29 hanggang 31 ang delegasyon ng mainland Olympic athletes ng 2024 Paris Olympics.
Pinasalamatan ni John Lee Ka-chiu, Punong Tagapagpaganap ng HKSAR ang sentral na pamahalaan para sa pagsasaayos ng pagbisita ng delegasyon sa HK.
Ipinaabot din niya ang taos-pusong pasasalamat sa State Sports General Administration, at HK at Macao Affairs Office ng Konseho ng Estado para sa kanilang mga pagsisikap sa usaping ito.