Kabuuang halaga ng pag-angkat at pagluluwas ng Yangtze River Delta sa unang pitong buwan, tumaas

2024-08-20 16:23:32  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Adwana ng Shanghai, Tsina, ang kabuuang halaga ng pag-angkat at pagluluwas sa rehiyong Yangtze River Delta sa unang pitong buwan ngayon taon, ay umabot sa 9.1 trilyong yuan RMB, at ito ay pinakamataas sa parehong panahon ng kasaysayan, na may 5.8% taon-sa-taong pagtaas at katumbas sa 36.7% ng kabuuang halaga ng pag-angkat at pagluluwas ng buong Tsina.

 

Kabilang dito, umabot sa 4.06 trilyon yuan ang halaga ng pag-angkat at pagluluwas ng naturang rehiyon sa mga bansang katuwang ng “Belt and Road,” na may 7.7% taon-sa-taong pagtaas.