Ipinahayag Lunes, Agosto 19, 2024, ni Stephan Dujarric, tagapagsalita ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na isasagawa ni Guterres ang pagdalaw sa Tsina sa Setyembre.
Aniya, mula Setyembre 2 hanggang 5, mananatili sa Tsina si Guterres upang lumahok sa 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation na gaganapin sa Beijing, kung saan bibigyang-diin niya ang kahalagahan ng South-South cooperation para mabuo ang pagkakaisa at mapasulong ang progreso ng pinagbabahaginang hangarin ng pag-unlad.
Ayon pa kay Dujarric, katatagpuin ni Guterres ang mga matataas na opisyal ng Tsina.