Polisiya ng 144-hour transit visa-free, pinalawak sa 37 puwerto at 54 na bansa

2024-08-21 16:40:26  CMG
Share with:

Idinaos Agosto 19, 2024, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang serye ng press conference na may temang "pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad.”

 

Ayon dito, magkakasunod na nailunsad ng National Immigration Administration (NIA) ang mahigit 110 polisiya at hakbangin para mapadali ang pagdating ng mga dayuhan sa Tsina at patuloy nilang pabubutihin ang mga naiuugnay na polisiya para isulong ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga dayuhan na pumupunta sa Tsina.

 

Napalawak na kamakailan ang polisiya ng 144-hour visa-free transit sa 37 puwerto at 54 na bansa.