PM ng India, dadalaw sa Ukraine

2024-08-21 16:53:14  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 19, 2024, ng Ministring Panlabas ng India, na sa paanyaya ni Volodymyr Zelenskyy, Pangulo ng Ukraine, dadalaw Agosto 23, 2024 sa Ukraine si Narendra Modi, Punong Ministro ng India.

 

Ayon sa tanggapang pampanguluhan ng Ukraine, kinumpirma nito ang pagdalaw ng PM ng India at tatalakayin ng kapuwa panig ang tungkol sa relasyon at multilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.