Mga magsasaka sa Anhui, abalang-abala sa pagpitas, pagpili at pagpapatuyo ng sili

2024-08-22 11:00:29  CMG
Share with:

Habang sinasamantala ang mainit na panahon, abalang-abala ang mga magsasaka sa bayang Gucheng, lunsod Bozhou, lalawigang Anhui, dakong silangan ng Tsina, para pitasin, piliin at patuyuin ang mga sili. 

 

Dahil dumating na ang panahon ng anihan sa mahigit 860 hektaryang sili sa bayang ito.

 

Sa nakalipas na mga taon, puspusang pinapa-unlad ng bayang ito ang industriya ng sili; pinapasulong ang malakihang pagtatanim at pagpoprodyus batay sa mga umiiral na order; nabubuo ang kadenang industriyal ng sili na pinagsasama-sama ng pagtatanim, pagpoproseso at pagbebenta para matugunan ang pangangailangan ng pamilihan, tungo sa pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil