Ika-5 Pulong ng Magkasanib na Komisyon sa Bilateral na Kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Indonesya, idinaos

2024-08-24 09:30:04  CMG
Share with:

Beijing — Idinaos Agosto 23, 2024 ang Ika-5 Pulong ng Magkasanib na Komisyon sa Bilateral na Kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Indonesya na magkasamang pinanguluhan nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesia.


Sinabi ni Wang na sa mula’t mula pa’y pinakikitunguhan at pinauunlad sa estratehiko at pangmalayuang pananaw, ng panig Tsino ang mapagkaibigang relasyon sa Indonesia.


Kasama ng panig Indones, nakahandang isakatuparan ng mabuti ng panig Tsino ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa upang ibayo pang mapasulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasang Sino-Indones, ani Wang.


Ipinahayag naman ni Marsudi na ang Tsina ay nagsisilbing isa sa mga pinakamahalagang estratehikong katuwang ng Indonesia.


Lubos aniyang pinapurihan ng Indonesia ang naitatag na matibay na pagtitiwalaan at malalim na pagkakaibigan sa panig Tsino.


Salin: Lito