Labintatlo (13) katao, kabilang ang isang mag-asawang Ruso ang namatay sa pagguho ng putik sa isang resort sa Phuket, Thailand, ayon sa mga awtoridad ng bansa, Agosto 25, 2024.
Anila, patuloy ang paghahanap at pagliligtas.
Ayon kay Gobernador Sophon Suwannarat ng Phuket, dahil sa malakas na ulan, naganap noong Agosto 23 ang pagguho ng lupa at putik sa Big Buddha, isang kilalang destinasyong panturista sa timog ng bansa.