Idinaos, Agosto 28, 2024, sa lunsod Chengdu, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang 2024 China Internet Civilization Conference.
Ayon sa mga kalahok, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ng impormasyon, dapat palakasin ang konstruksyon ng cyberspace civility para umangkop sa bagong kalagayan.
Anila, dapat walang humpay na paunlarin ang positibo at malusog na kultura ng cyberspace, palakasin ang pagsasa-ayos sa cyberspace, at pabutihin ang sistema ng konstruksyon ng cyberspace civility, para pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng konstruksyon ng cyberspace civility sa bagong panahon.
Lumahok at bumigkas ng talumpati si Li Shulei, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Salin:Sarah
Pulido:Rhio