Chinese mainland, patuloy na inaangkat ang Wendan pomelo mula sa rehiyong Taiwan

2024-09-03 16:55:00  CMG
Share with:

Ayon kay Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan Setyembre 2, 2024, ipinasiya ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng bansa na simula Setyembre 2, patuloy na inaangkat ang Wendan pomelo mula sa rehiyong Taiwan.

 

Sinabi niya na ang mga Wendan pomelo na iaangkat sa Chinese mainland mula sa rehiyong Taiwan ay dapat magmula sa mga rehistradong taniman at packaging plants.