Opisyal ng Ehipto: Dapat panagutan ng pamahalaang Israeli ang pagkabigong makamit ang tigil-putukan

2024-09-03 16:58:08  CMG
Share with:

Ipinahayag Setyembre 2, 2024, ng isang mataas na opisyal ng Ehipto, na dapat panagutan ng pamahalaang Israeli ang pagkabigong makamit ang tigil-putukan sa Gaza Strip. Sinusubukan aniya ng Israel na magpataw ng mga bagong kalagayan sa rehiyon ng Palestina upang pagtakpan ang panloob na krisis nito.

 

Dagdag pa rito, muling inulit ng Ehipto ang matibay na suporta nito sa anumang kasunduang pangkapayapaan, lalo na ang mariing pagtutol nito sa presensyang militar ng Israel sa Philadelphi Corridor at sa Rafah border crossing.