Kambodya at Laos, palalakasin ang kooperasyon laban sa korapsyon

2024-09-04 17:11:12  CMG
Share with:

Nagpulong Setyembre 3, 2024, sa Vientiane, kabisera ng Laos, ang mga opisyal mula sa State Inspection Authority ng Laos at Anti-Corruption Unit ng Kambodya para talakayin ang kooperasyon laban sa korapsyon.

 

Binigyang-diin sa pulong ang lumalalim na kooperasyon sa pagitan ng dalawang organisasyon at ang pangmatagalang pagkakaibigang Lao-Kambodyano, ayon sa pagbabalita ng Lao News Agency.