Pangulo ng Tsina at Republika ng Congo, nag-usap

2024-09-06 16:25:32  CMG
Share with:

Nag-usap ngayong umaga, Setyembre 6, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Denis Sassou Nguesso ng Republika ng Congo.


Si Sassou ay nasa Beijing para sa 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) at dalaw pang-estado sa Tsina.


Tinukoy ni Xi na ang pagpapasulong ng pagkakaisa at kooperasyon sa mga bansang Aprikano ay mahalagang pundasyon ng diplomatikong patakaran ng Tsina, at kasama ng Republika ng Congo, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon sa pandaigdigang pangangasiwa para likhain ang magandang kapaligiran ng pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.


Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan nila ang paglalagda ng dalawang bansa sa mga dokumento ng kooperasyon sa kabuhayan, berdeng pag-unlad, konstruksyon ng lunsod, pamumuhunan, didyital na ekonomiya at media.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil