Seremonya ng inagurasyon ng malaking iskulturang “In the Same Boat” ng Paris Olympics, idinaos

2024-09-07 11:30:19  CMG
Share with:

Noisy le Grand, Pransya Idinaos Setyembre 6, 2024 (lokal na oras) ang seremonya ng inagurasyon ng malaking iskulturang “In the Same Boat” na donasyon ng China Media Group (CMG) sa French Olympic Committee at seremonya ng pagsisimula ng “Olympic Peace Park.”


Ipinadala ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang mensaheng pambati sa kaganapang ito.

Dumalo at bumigkas ng talumpati sina Lu Shaye, Embahador ng Tsina sa Pransya at mga opisyal na Pranses.

Ang nasabing malaking iskultura ay nagawa ni Huang Jian, bantog na iskultor ng Tsina. Sagisag nito ang pagkakaibigang Sino-Pranses at diwa ng Olimpiyada, at ipinakikita nitong sa pagkakataon ng Paris Olympics, kapit-bisig na pasusulungin ng Tsina at Pransya ang pagpapalitan at diyalogo sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon at ihahatid ang tinig ng kapayapaan ng diwa ng Olimpiyadang ito.


Salin: Lito

Pulido: Ramil