Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi sa 2024 CIFTIS

2024-09-12 16:13:53  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Setyembre 12, 2024, bilang pagbati sa pagbubukas ng 2024 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) sa Beijing, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na 10 CIFTIS na ang matagumpay na naidaos sa bansa, at ang mga ito ay nagbigay ng positibong ambag sa pagtatatag ng bukas na pandaigdigang kabuhayan.

 

Kasama ng iba’t-ibang bansa ng daigdig, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina para ibahagi ang pagkakataon at itaguyod ang pag-unlad, palakihin ang kabuhayang pandaigdig, at pabutihin ang benepisyo ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.

 

Sa ilalim ng temang "Global Services, Shared Prosperity" ang 2024 CIFTIS ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at Lokal na Pamahalaan ng Beijing.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio