2024 CIFTIS, binuksan sa Beijing: Pandaigdigang Serbisyo’t Pinagbabahaginang Prosperidad, pinalalaganap

2024-09-12 15:09:24  CMG
Share with:


Sa ilalim ng temang “Global Services, Shared Prosperity,” binuksan ngayong araw, Setyembre 12, 2024 sa China National Convention Center at Parke ng Shougang sa Beijing, kabisera ng Tsina, ang 2024 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), at ito’y tatagal hanggang Setyembre 16.

 

Walumpu’t tatlong (83) bansa’t pandaigdigang organisasyon ang nagtayo ngayong taon ng mga puwesto ng eksibisyon, samantalang mahigit 420 sa mga nangungunang 500 negosyo’t namumukod na kompanya sa daigdig ang naglagay rin ng kanilang sariling lugar. 

 

Ang CIFTIS ang kauna-unahan at pinakamalaking komprehensibong perya ng kalakalan ng serbisyo sa daigdig.

 

Sapul nang una itong idaos noong 2012, mahigit 800 dayuhang asosyasyon’t organisasyon, at mahigit 900 libong indibiduwal mula sa 197 bansa’t rehiyon ng daigdig ang nahikayat lumahok sa CIFTIS.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio