Sero taripa, inanunsyo ng Tsina para sa mga pinaka-di-maunlad na bansa

2024-09-13 16:37:51  CMG
Share with:

Inanusyo, Setyembre 12, 2024, ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang pagbibigay ng zero-tariff treatment para sa 100 porsiyentong linya ng taripa sa lahat ng pinaka-di-maunlad na bansa na may relasyong diplomatiko sa Tsina.

 

Magkakabisa sa nasabing sa Disyembre 1, 2024, layon nitong palawakin ang unilateral na pagbubukas sa mga pinaka-di-maunlad na bansa at pasulungin ang komong pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio