Umano’y “six-monthly report” ng Britanya tungkol sa Hong Kong, tinututulan ng Tsina

2024-09-14 10:18:45  CMG
Share with:

Bilang tugon sa muling inilabas na umano’y “six-monthly report” ng pamahalaang Britaniko tungkol sa Hong Kong, ipinahayag Setyembre 13, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang tinututulan ng panig Tsino ang pagsasabi ng panig Britaniko ng kung anu-ano sa mga suliranin ng Hong Kong sa pamamagitan ng pagpapalabas ng umano’y “six-monthly report.”


Sinabi niya na ang mga suliranin ng Hong Kong ay purong suliraning panloob ng Tsina.


Dapat igalang ng panig Britaniko ang pundamental na katotohanang nakabalik na ng 27 taon ang Hong Kong sa inangbayan, at dapat ding itigil ang panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong, ani Mao.


Salin: Lito

Pulido: Ramil