Mga panauhing kalahok sa Ika-11 Beijing Xiangshan Forum, kinatagpo ni He Weidong

2024-09-14 10:16:31  CMG
Share with:

Beijing Magkakahiwalay na kinatagpo Setyembre 13, 2024 ni He Weidong, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mga panauhing dayuhan na kalahok sa Ika-11 Beijing Xiangshan Forum.


Sa kanyang pakikipagtagpo kay Tin Aung San, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Myanmar, sinabi ni He na nitong ilang taong nakalipas, sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, natamo ng bilateral na kooperasyon ng kapuwa bansa ang bungang historikal.


Kasama ng Myanmar, nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap upang ibayo pang mapalalim ang pragmatikong kooperasyon at magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan sa purok-hanggahan ng kapuwa bansa.


Sinabi naman ni Tin Aung San na buong tatag na iginigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina, at hindi pahihintulutan ang paggamit ng sinuman at anumang puwersa ng teritoryo ng kanyang bansa sa pagpipinsala ng kapakanan ng Tsina.


Bukod pa riyan, kinatagpo ni He sina Angie Motshekga, Ministro ng Depensa at Beteranong Militar ng Timog Aprika, at Sahir Shamshad Mirza, Tagapangulo ng Joint Chiefs of Staff Committee of the Pakistan Army.


Salin: Lito

Pulido: Ramil