Sa darating na Setyembre 17, 2024, ipagdiriwang ang Mid-Autumn Festival, isa sa mga tradisyunal na kapistahan ng Tsina, na mas kilala para sa mga Pilipino bilang Mooncake Festival.
Sa kapistahang ito, nakaugalian ng mga Tsino na maghanda at kumain ng mooncake, at pahalagahan ang bilog na bilog at maliwanag na maliwanag na buwan.
Sa kulturang Tsino, ang bilog na buwan ay sumisimbolo ng muling pagkikita-kita ng pamilya.
Tuwing sasapit ang pagdiriwang na ito, pinaniniwalaang ang buwan sa araw na ito ay pinakabilog sa loob ng isang taon, kaya ang Mid-Autumn Festival ay naging isang napakahalagang okasyon para sa pagtitipun-tipon ng mga pamilya.
Sa daigdig ng Artificial Intelligence (AI), handa na rin si VTuber Lydia sa kanyang biyahe pabalik sa planetang Mundo mula sa planetang Buwan, para muling kitain ang kanyang pamilya sa Mid-Autumn Festival.
Sa pamamagitan ng isang AI-generated video, ibabahagi namin sa inyo ang kuwento ni Lydia.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil