Ang magandang Lawa ng Qinghai sa lalawigang Qinghai sa hilagang-kanlurang Tsina ay pinakamalaking inland saltwater lake sa Tsina.
Nagbisikleta kami ng aking kaibigan sa paligid nito kahit nagbabago ang klima at natapos namin ang biyahe ng humigit-kumulang 360 kilometro sa loob ng 50 oras.
Sa biyaheng ito, nakita namin ang magagandang tanawin, mababait na taumbayan, at kaakit-akit na kalangitan na puno ng mga bituin. Bukod dito, ipinagmamalaki rin namin ang aming sarili dahil sa aming tibay ng loob.
Nagpapaalala ang biyaheng ito sa akin ng karanasan ko noong nakaraang taon kasama ng aking mga kaibigan sa Pilipinas. Nagpunta kami sa mga isla ng Palawan at Kawasan sa Cebu upang mag-enjoy at mag-explore.
Nais kong anyayahan ang lahat ng mga kaibigan ko sa Tsina at Pilipinas na pumunta sa magandang lawang ito upang tamasahin ang kasiyahan ng pag-eehersisyo at kagandahan ng kalikasan!
Ulat/ Video: Xuemeng DU
Patnugot sa teksto: Ramil/ Lito/ Jade
Patnugot sa website: Kulas